Prime Minister ng Netherlands nag-resign

NAGBITIW na ang Prime Minister ng Netherlands na si Mark Rutte makaraang hindi makuha ng kanyang gobyerno ang suporta ng Geert Wilders’ Freedom Party dahil sa krisis sa badyet.

Nagsumite na ng kanyang resignation letter si Rutte kay Queen Beatrix upang magbigay-daan sa halalan na maaaring idaos sa Hunyo.

Nakiusap naman si Queen Beatrix sa lahat ng cabinet ministers at deputy ministers na manatili muna sa puwesto hanggang sa maiayos ang transisyon.

Nabatid na mahigit isang taon lang ang itinagal ni Rutte sa puwesto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply