Privatization ng Napocor power plants haharangin

TINIYAK ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na haharangin nito ang planong pagbebenta ng natitirang hydropower plants ng National Power Corporation (Napocor) sa Mindanao bilang bahagi ng privatization plan ng gobyerno.

Sinabi ni Pimentel na natunghayan niya sa ilang dumalo sa Mindanao power summit na ayaw ng taga-Mindanao na ibenta ng pamahalaan ang hydro power plants ng Napocor sa Agus, Lanao del Sur at Pulangui, Bukidnon.

“Naramdaman ko sa public sentiment sa ginanap na Mindanao power summit na tumututol ang karamihan sa mamamayan sa privatization ng natitirang generating plants ng Napocor na pawang hydro powered,” ayon kay Pimentel.

Aniya, dapat pansamantala munang itigil ang bentahan habang sinusuri ang performance ng EPIRA Law at matuklasan kung bakit hindi nakamit ang pangako ng batas.

Tinukoy ni Pimentel na ilan sa ipinangako ng EPIRA na pasiglahin ang kumpetisyon sa power sector at maibaba ang halaga ng singil sa kuryente.

Natuklasan pa ni Pimentel na umabot sa 112 percent ang tantos ng pagtaas ng Manila Electric Company (Meralco) at mahigit 95 porisyento naman sa Napocor sa nakalipas na 10 taon.

Tinukoy pa ni Pimentel na kapag naibenta ang natitirang power plants sa Mindanao, tiyak na magkakaroon ng cartel sa presyo ng kuryente na siyang magpapahirap pa sa kalagayan ng mamamayan.

“We must seriously look into these concerns. We must assure not only the people of Mindanao, but the entire nation that the EPIRA Law spurs competition within the power sector that will redound to a fairer and hopefully lower price of electricity,” giit ni Pimentel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply