Problema ng PAL employees pinatatagal ng SC

PINALALAWIG lamang ng Korte Suprema ang hapis ng mga empleyado ng Philippine Airlines nang magdesisyon itong pahintulutang makapaghain ng apila ang Flight Attendants and Stewards’ Association of the Philippines’sa kaso.

Ayon kay FASAP Spokesperson Ding Dreyfus, hindi naman talaga nila inaasahang magdedesisyon agad ang SC sa kaso ng iligal na pagkakasibak sa 1,800 empleyado ng PAL.

Ito ay dahil sa kinakailangan pa aniyang hintayin ang komento ng PAL sa loob ng sampung araw hinggil sa resolusyon ng Korte na payagan ang apila ng FASAP na inihain ng kanilang corroborating counsel na si retired Supreme Court Associate Justice Santiago Kapunan Sr..

Nitong isang buwan lamang, ibinasura ng SC sa botong 7-2 ang apila ng FASAP na i-reinstate ang nauna nitong desisyon pabor sa mga nasibak na empleyado ng PAL at nagdesisyon na ang buong Supreme Court en banc na ang didinig sa kaso sa halip na ang 2nd division.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply