Produksyon ng asukal sa H. Luisita tuloy

PATULOY ang produksyon ng asukal ng pamilya Cojuangco sa Hacienda Luisita.

Tiwala naman ang Asukarera de Tarlac na hindi sila babagsak kahit nabawasan ang kanilang lupain at magsasaka.

Anila, aangkat na lamang sila ng tubo sa mula ibang probinsya kung hindi na magtatanim ang mga magsasaka ng asyenda.

Ayon sa Hacienda Luisita Incorporated (HLI), kanilang susundin ang utos ng Korte Suprema.

Sinabi ng tagapagsalita ng asyenda na si Atty. Tony Ligon, na mas makabubuti sa magkabilang panig ang naging desisyon ng kataas-taasang hukuman.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply