Prosec pinatatahimik ni SB ngayong Holy Week

HUWAG nang sagutin ang mga isyung may kinalaman sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Ito ang sinabi ni Aurora Rep. Sonny Angara na mahigpit na kautusan ni House Speaker Feliciano “SB” Belmonte bilang pagrespeto sa obserbasyon ng Holy Week.

Dahil dito, nangako ang prosecution panel na hindi muna magsasalita ngayong linggo sa isyung may kinalaman sa impeachment trial.

Kasunod ito ng deklarasyon ng unilateral ceasefire ng kampo ni Corona.

Sinabi ni Angara na mismong si Belmonte ang nag-utos na huwag munang sagutin ang mga batikos at mga isyung may kinalaman sa impeachment.

Katwiran ng mga mambabatas, mulat naman ang taumbayan sa naging pag-usad ng kaso ng Corona trial partikular na sa mga ebidensyang naiprisinta sa mga akusasyon ng betrayal of public trust at culpable violation of the constituition laban dito.

Ang pagdinig sa reklamo laban kay Corona ay itutuloy sa May 7 sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso kung saan magpapatuloy ang presentasyon ng depensa bago ang rebuttal.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply