Protesta ng OFWs laban sa China kasado na

WALANG plano ang Malakanyang na pigilan at pagbawalan ang overseas Filipino workers (OFWs)  na mag-protesta kaugnay sa panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa Scarborough Shoal.

Ani Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, wala silang kakayahan na pigilan ang OFWs sa kanilang balak na kilos-protesta.

“Well, hindi naman po natin mapipigilan ‘yung ating mga kababayan na ipalabas na ipahayag po ‘yung kanilang damdamin. Ang isa lang po sa ating mga apela ay sana gawin po nilang maayos at mapayapa ‘yung kanilang magiging mga protesta lalo po nasa ibang bansa po sila. Let us all observe the laws and regulations in whatever country that they are in,” anito.

Matatandaang sa Mayo 11 ay nakakasa na ang malawakang rally ng ilang grupo ng OFWs sa mga embahada ng China para igiit ang soberenya ng bansa.

Tinuran ng opisyal na hindi nila mapipigilan ang mga kababayang nais maglabas ng pagkadismaya sa Scarborough tension.

Iyon nga lamang, ang pakiusap lamang nila ay gawing payapa ang kilos protesta.

Nananatili naman ang Chinese vessels sa Scarborough Shoal at tumatanggi ang China na resolbahin ang tensyon sa international tribunal.

“Hindi po natin mapipigilan ang ating mga kababayan kung gusto nilang iparating ang kanilang pagkadismaya sa mga ginagawa ng China,” ayon kay Usec. Valte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply