Protesta sa Parañaque nagdulot ng matinding trapik

NAGDULOT ng matinding trapik ang pagpoprotesta ng mga stall owners laban sa demolition sa flea market sa Silverio Compound sa Parañaque City kung saan nagsunog ang mga ito ng mga gulong.

Ayon sa report ng dzBB, naparalisa ang daloy ng trapiko sa Sucat Road bandang alas-7:00 ng umaga nang magsunog ng gulong at magpaputok ng firecrackers ang mga stall owner sa flea market sa Silverio Compound bilang protesta sa demolisyon sa naturang lugar.

Naapektuhan ang mga commuter patungong airport area at Manila Memorial Park.

Habang ang ilang mga commuter naman ay napilitang bumaba na lamang at maglakad dahil sa matinding trapik.

Pinayagan naman ng city traffic management officials na mag-counter flow sa Sucat Road upang makalusot ang ibang sasakyan.

Matatandaang una nang nag-piket ang mga residente sa Silverio Compound upang iprotesta ang demolisyon sa kanilang mga bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply