Provincial bus drivers sumalang sa seminar

PARA matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, isa-isang isinalang muna sa seminar o pre-departure briefings ng Land Transportation Office-Law Enforcement Section (LTO-LES) ang mga provincial bus driver na bibiyahe ngayong Semana Santa.

Personal na sineminar ng LTO traffic enforcers ang mga bus driver na may kaugnayan pa rin sa defensive at tamang asal upang maiwasan ang mga sakuna sa lansangan.

Maliban sa seminar, isinalang din sa drug testing at medical check-up ang mga driver bagama’t wala ni isang nagpositibo sa nasabing pagsusuri.

Kasunod nito nagsagawa na rin ng pag-iinspeksiyon ang team sa lahat ng mga bus upang 100 porsiyentong makasiguro na maayos ang mga sasakyan para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Ayon pa sa grupo, patuloy ang gagawin nilang seminars at random drug testing at medical check up sa mga bus drivers sa iba’t ibang mga bus terminals sa buong bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply