Prutas at gulay na pampaiwas sa cancer

ANG mga pagkain ng mayaman sa tinatawag na “protective nutrients” ay lubhang napakahalaga para sa “healthy immune functioning”.

Ito ay sa dahilang ang mga kinakain ng bawat indibidwal ay may pinakamalaking bahagi o kinalaman na sanhi ng halos ay 1/3 bahagi ng kabuuang bilang ng mga nagka-kanser.

Ito ang dahilan, kung bakit sadyang masasabi na ang pangangalaga ng ating kalusugan ay tunay na matibay na masasandigan para malusog na makapamuhay at mapahaba pa ang ating buhay.

Isa sa maituturing na pinakamahalagang ating mababago sa ating pagkain ay ang pagdaragdag ng bilang ng mga sariwang prutas at gulay na ating kinakain.

Ang mga bagong pitas at ligtas sa kemikal na mga bungang kahoy at gulay ay ang mga pinakamayamang mapagkukunan ng “anti oxidants”, na nakatutulong upang sugpuin ang anumang pinsalang maidudulot ng “free radicals”.

Ang mga ito rin ang nagtataglay ng mga mapangalagang “phytochemicals”, gaya ng “flavonoids” at “carotenoids”.

Hangga’t magagawa at makakaya, kumain ng hindi bababa sa pitong hainan ng sariwang prutas at gulay araw-araw at kung may paraan pa, gawin itong sampu.

Ang isang kainan ay dapat binubuo ng kalahating tasa ng gulay, 1 tasa ng madahong gulay, isang katamtamang laki ng prutas, kalahating tasa pa ng iba pang prutas at anim na onsa ng katas ng prutas o gulay.

Upang makakain ng mga gulay at prutas na may pinakamarami at mataas na kalidad na sustansiya at bitaminang maibibigay sa atin ay kailangang kumain ng iba’t ibang uri ng mga ito na inyong mapagpipilian.

Halimbawa nito ay ang pagbili ng mga prutas at gulay na may matitingkad na kulay gaya ng berdeng berde at sariwang talbos ng kamote kaysa natutuyo at madilaw dilaw ng kangkong o kaya naman ay ang magaganda at dilaw na dilaw na saging kaysa inangkat na mga prutas gaya ng mansanas na matagal kung itinagal sa mga reprihedora.

May mga prutas at gulay na nagtataglay ng mga sangkap na lubhang mapangalaga o mapagbigay ng depensa laban sa sakit.

Ang mga ito ang nararapat ninyong bilhin at kainin. Ang mga gulay na broccoli, repolyo, cauliflower at mga kauri na nabibilang sa tinatawag na “cruciferous family” ay mayaman sa mga kapakipakinabang na “sulfur compounds” na kung tawagin ay “indoles”.

Sinasabi rin na ang mga nabibilang sa cruciferous family na gulay ay nakapagpapasigla rin sa produksiyon ng glutathione na nakatutulong sa pag neutralize ng mga carcinogens. Samantala, ang bawang at sibuyas at iba pang kabilang naman sa “allium family” ay nakapagpapasigla ng “immune activity” at nakapagpapataas ng lebel ng enzyme na pumupuksa sa mga carcinogens.

Ang mga pagkain na may mayaman sa vitamin C at beta-carotene ay sagana ring mapagkukunan ng mga antioxcidant. Ang broccoli, mga prutas na maa-asim, siling pula, strawberry ay mga mahuhusay na pagkaing makapagdudulot ng vitamin C. Ang mga ma-berdeng kulay na gulay naman at madilaw na kulay na prutas gaya ng apricots, carrots, cantaloupe at kamoteng baging ay may mataas na beta-carotene, na malaking maitutulong para mabaligtad ang mga “precancerous changes” sa mga selyula.

Sa pamamagitan ng pagkain ng iba’t iba at maraming uri ng mga prutas,makatitiyak na binibigyan ninyo ang mga selyula sa katawan ng malawak at maaasahang hanay ng mga “cancer fighting phytonutrients” gaya ng ellagic acid, limonene at lycopene. Ang mansanas, ubas, raspberry at strawberry ay sagana sa ellagic acid, ang dayap, naranghita at kauri ay maraming limonene habang ang carrots, pulang sili, kamatis at pakwan ay maaasahan namang makapagkakaloob ng lycopene.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply