Psycho therapy sa nananakit na pulis

KALIWA’T KANAN ang ginagawang repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga sira at dapat nang kumpunuhin na kalsada, partikular ang main thoroughfares SINAMPAHAN na ng kasong kri-minal sa Prosecutors’ Office ng Olongapo City si PNP City Director Christopher Tambungan kaugnay ng umanoy panghihiya at pananakit na ginawa nito sa isang cor-respondent ng Pilipino Star Ngayon nitong unang linggo ng Abril habang may nagaganap na hostage drama sa lungsod.

Ang reklamo ni Randy Datu ay may suportang salaysay ng mga correspondent ng DZMM at Manila Times na sina Jeff Tombado at Anthony Bayarong, ayon sa pagkakasunod.

May mga isasampa pang kasong administrativo laban pa rin kay Tambungan sa pamamagitan ng National Press Club.

Nagpalabas na rin ng panawagan ang International Federation of Journalists (IFJ) para sa masusing imbestigasyon sa naturang insidente.

Nang gabing umano’y naganap ang insidente laban kay Datu, may usisero rin umanong sinapak si Tambungan dahil pumasok sa bakuran ng hostage-taking area.

Mali nga naman ang usisero, na binibintangan ding may intensiyong magnakaw.

Pero mali rin at Ito Ang Totoo, na  sapakin  ni  Tambungan  ang usisero.

Maaari niya itong sitahin o kaya’y dakpin kung may ginawang kasalanan, pero ang saktan ito kahit hindi naman nanlalaban, kalabisan na iyan.

Mauunawaan natin kung isolated incident iyan pero nauna rito, may tomboy rin na pinagbuhatan umano ng kamay ni Sr. Supt. Tambungan.

Marami ring isinusumbong sa atin ang mga pulis na tauhan ni Tambungan kung paano sila umano pagmalupitan nito.

Sa Police Station 3 (PS 3) ng Olongapo City, nagsisiksikan na sa banyo ng maliit na selda ang mga detenido kapag dumarating si Tambungan sa takot na mapagdiskitahan tulad ng isa umanong nakitaang may nilalarong baraha.

Anak ng bulok na tokwa: ipinanguya at ipinalunok umano sa detenido ang naturang baraha.

Kaya tuloy ang mga tao ni Tambungan sa PS 3, partikular ang mga baguhan, ginagagawa sa mga detenido ang mga parusang tinanggap habang papasok pa lamang sa pagpupulis, tulad ng tusok ulo, kung saan ang detenido ay inutusang tumuwad na  ang ulo ang nakakalang sa lupa o semento.

May takal rin ang mga detenido sa tuwing may turn-over ng personnel, ibig sabihin, araw-araw. Ang takal ay maaaring simpleng kaldag sa tiyan o dibdib  o kaya’y pwede ring tahasang gulpe.

Hindi lahat ng detenido ay may sala at hanggat hindi napapatunayang nagkasala sa korte, ipinapalagay na sila ay inosente, ganoon talaga ang sibilisado.

Kaya walang karapatang manakit itong mga pulis, lalo na iyong pinaka-hepe na ginagaya tuloy ng mga baguhan.

Ang pagkakaalam natin kay PNP Director General Nicanor Bartolome, matino itong pulis na hinagangaan maging ng mga kabaro niya.

Ito Ang Totoo: masusubok ang pagiging matuwid ni Director General Bartolome sa usaping ito ng kalalagayan ng pulisya sa Olongapo.

Tingnan natin kung sususpindihin man lang niya si Tambungan habang iniimbestigahan ang kaso nito para hindi makapang-impluwensiya.

Tulad ng marami, nakaantabay tayo sa mga susunod na pangyayari.

Samantala, baka gusto ni Sr. Supt. Tambungan magpa-anger management  counselling o psycho therapy. May mga kilala tayong handang tumulong sa mga namomroblema sa asal kapag nagagalit na. Ito Ang Totoo!

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 09994001162 o sa Facebook http://www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate/143876209055760.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply