Publiko kinalma sa NoKor rocket launch

PABOR si Sen. Gringo Honasan sa ginagawang paghahanda ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kaugnay sa posibleng pagbagsak ng ilang bahagi ng rockets ng North Korea (NoKor) sakaling simulan na nito ang napaulat na rocket launching sa Abril 12, 2012.

Sa panayam kay Honasan sa telepono ng Remate Online nitong Lunes, iginiit nito na hindi matatawag na over acting (OA) ang pagdedeklara ng red alert status ng NDRRMC.

Aniya, normal lamang na sa ganitong mga sitwasyon ay naghahanda ang pamahalaan sa posibleng maging epekto ng rocket launching ng ibang bansa.

Kasabay nito, kinalma din ng senador ang publiko sa balak na ito ng North Korea dahil satellite lang naman ang layunin ng mga ito.

Magugugnita na una nang tiniyak ng gobyerno ng Pilipinas na walang dapat ikabahala sa gagawin ng North Korea lalo pa’t nakasubaybay naman ang malalaki at makapangyarihang mga bansa sa naturang rocket launching.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply