Publiko muling pinaalalahanan sa mga kolorum

MULING nagpaalala ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga bakasyunista na huwag sumakay sa mga kolorum na motor banca.

Ayon kay PCG Commandant Vice Admiral Edmund Tan, huwag kagatin ang alok ng mga kolorum na bangka ngayong dagsa na ang mga magsisipag-uwi sa pagatatapos ng long weekend.

Sinabi ni Tan, na kadalasang nasasangkot sa aksidente sa dagat ang mga kolorum na banca dahil sa kakulangan ng gamit pangkaligtasan tulad ng kakulangan sa life vest at communication equipment.

Simula kahapon (Abril 8), inatasan na ng Coast Guard ang kanilang mga tauhan na mahigpit na ipatupad ang pagbabawal ng overloading at over capacity makaiwas sa anumang aksidente sa karagatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply