Pugad ng mga pokpok

ANG Monumento sa lungsod ng Caloocan ay isang lugar sa Metro Manila na istambayan ng mga nagbebenta ng panandaliang aliw.

Ito yaong mga babaeng tinawag na ‘pokpok’ (prostitutes) na ang trabaho ay nagpapadyokdyok kapalit ng kahit kaunting halaga.

Kung paano lumago at sumikat ang bentahan ng laman sa Monumento, ito ang kuwento sa Chokepoint ng isang ‘pokpok’.

Para maitago ang pagkakakilanlan at maisalba sa kahihiyan, hiniling niyang tawagin na lang natin siyang si ‘Chary’.

Sa kanyang salaysay, taong 2002 at batang bubot sa edad na 12 nang mapadpad  sa Monumento, kasama ang isang kaibigan.

Dahil ‘runaway girl’, naging ‘bahay’ nila ng kanyang kaibigan ang mga sulok-sulok  at paligid ng lugar (Monumento).

Hanggang matukso, aniya, sila ng kaibigan sa alok na ‘sex’ ng isang istambay din na lalaki na ang kapalit ay pagkain lamang.

Mula noon naulit ang pakikipag-sex sa iba’t ibang lalaki hanggang naging hanapbuhay na nila ang pagbebenta ng laman.

Pero sa pagdaan ng panahon,  lumago ang tinawag niyang ‘sex for sale’ sa lugar dahil sa pagsulpot ng mga motel sa paligid.

At sa kanyang pagbubulgar, sinabing may ‘role’ ang motels sa paglago ng ‘sex trade’ sa Monumento dahil sa ‘kompetisyon’.

May mga ‘bugaw (pimp), aniyang naghahanap ng customers para i-partner sa kanila at sa nais nilang motel ito pinapapasok.

Ang mga ‘bugaw’ umanong ito ay may ‘tip’ sa mga contact sa motel kapag may nadadalang mga ‘pokpok’ at kostumer.

Sa mga motel sa Monumento, sinabi ni ‘Chary’ na sa Nice Motel ito nakakontrata kapag may nabibingwit na ‘kostumer’.

Subalit may babala si ‘Chary’ sa mga mahihilig sa tulad niyang ‘pokpok’ dahil pinagnanakawan din daw nila ang mga ‘nakaka-sex.’

Kaagad nagrehistro sa aking isipan ang ilang sumbong sa Chokepoint na biktima ng nakawan sa loob ng Nice Motel.

Ngunit ‘di ko na binanggit pa kay ‘Chary’ ang tungkol sa natanggap kong reklamo ng mga nanakawan nang kostumer.

Magsilbi na lang sanang babala ito sa mga ‘kostumer’ na may nangyayaring kababalaghan sa mga kuwarto ng Nice Motel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply