Pugante sa Navotas arestado sa Aklan

BALIK-PRESO ang isang pugante matapos muling madakip sa Aklan nang tumakas sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Navotas City noong Oktubre 11, 2011.

Muling nadakip si Narciso Desipolo, Jr. 27, ng Brgy. Daanghari, Navotas sa isinagawang operasyon ng BJMP-Aklan at New Washington PNP sa kanyang pinagtataguan sa Poblacion, New Washington, Aklan.

Ang suspek ay nauna nang kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs of 2002 opagtutulak ng iligal na droga.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply