Pulis namalo ng baril, sibilyan namalo ng tubo

MISYON, AKSYON, nais ko sanang ipaalam sa inyo ang nasaksihan ko na dalawang uri ng pangyayari dito sa bayan ng San Jose del Monte City, Bulacan. Tiyak na maiinis ka kung ikaw ay hamak na tao o sibilyan at kung ikaw naman ay isang alagad ng batas, awtomatikong kalahating porsiyento na ang kalamangan mo sa kalaban.

Ganito po ang pangyayari kamakailan, March 28, 2012. Isang pulis ang papauwi sa kanilang bahay sa may San Isidro, SJDM, Bulacan. Habang sakay siya sa kaniyang motor at tinatahak ang kahabaan ng Igay road papuntang Kaybanban sa Purok-1, dakong alas-12:00 ng gabi, nakasalubong niya ang isa ring nakamotor na muntik nang sumemplang sa biglang pagpepreno. Kaya hindi niya nabangga ang pulis.

Sa madaling salita, nagalit ang pulis na umano’y nakainom. Bumaba sa kaniyang motor si P02 Boyet Bumanlac, agad na nagsalita ng “walanghiya ka didisgrasyahin mo pa ako.”

Kasabay nito ang pagbunot ng kaniyang cal.45 at ipinalo ito ng dalawang beses sa ulo ng ibang na-kamotor. Nang matumba ito, muling pinalo ang biktima sa nguso, sabay alis at pagbabanta rito ng  “magsumbong ka na kahit kanino, di ako natatakot sa iyo.”

Ang pobreng si Mark Anthony Mendoza ay nagsadya sa PCP 1 sa Tungkong Mangga pero pinayuhan ito na magpa-medical check-up muna bago nila respondehan. Kaya agad na nagpa-check-up ito at bumalik kay Supt. Marco Rivero, Chief of Police ng SJDM.
Agad na inaresto ang suspek, nakuha ang kaniyang gamit na armalite at dinala sa opisina ni Supt. Rivero. Sa madaling salita, matapang pa ang pulis pero sa kalaunan ay nagpakumbaba ito sa payo at arbor ng kaniyang hepe na si Supt. Arriola ng Sta. Maria, Bulacan.

Sa madaling salita walang kasong naisampa sa reklamo ni Mang Anthony Mendoza bagkus isang  “ paumanhin na salita lamang ang kaniyang nakamit na katarungan.’ Kasi bukod sa kaniyang hepe na ninong, inayudahan pa ng hepe ng SJDM.

Bakit mo nga naman babanggain eh pader ang mga pumapel sa  kanilang kabaro.

Misyon aksyon yan po ang unang pangyayari aking  nasaksihan at ito naman po ang pangalawang pangyayari ay isang dating high school na istudyanti ng  Pardise hill na biktima ng pang“bubully”sa kanilang iskwelahan.

Buwan Pebrero 26, 2012 nag aagaw dilim habang  naglalakad naman si Robinson Grapinag 17 years old nakita nya ang dating ng bubully sa kaniya nag na nag-iinuman at nagkakantahan saBarangay Sto.Crsito kahabaan ng skyline sa loob ng bahay na alyas puti ay  pinalo nya umano agad ito ng tubo kaya nag kagulo habang nag kakagulo nakita naman ng kaniyang kapatid na si romeo na pinagtutulungan na nag mga  kainuman ay sumugod naman agad ito para tulungan ang kaniyang kapatid kaya ng humupa ang away ay may tama ng mga palo sa ulo ang biktima kaya agad  naman tumulong ang may ari ng bahay na si puti kaya  nahuli ang kapatid nyang si romeo na kinasuhan na kinasuhan ng frustrated murder at BP26 o illegal  possession of deadly weapon.

Ayon po sa bitktima at hindi naman nakuha ang  patalim sa kaniya at ibinigay lamang  ito sa mga pulis  na nagresponde kaya nag karoon siyang patalim ang  nakakapag taka po bakit sinampahan kaagad ang  suspek na wala pa pong naka attached na medical certificate mula sa ahensiya na dapat magbigay ng  katibayan na ang biktima ay nalagay sa bingit ng kamayan kaya makikitamo agad ang pagkiling ng mga  kapulisan sa tungko na nag karoon sila ng padulas kaya  agad agad na sinampahan ng kasong frustrated  murder at BP 26.

Kaya agad na nag himas ito ng rehas sa kulungan pero ng maisampa na sa piskalya ay agad na pinakawalan ito  ng fiscal ng mauri at makita ang kasomahina at walang basehan kaya ang kasong kakaharapin na lamang ay ang BP 26.

Ang panawagan ko po sa mga kinauukulan naway  mapaimbitisgahan ito ng ating matataas na opisyal lalo na po ang Napolcom kasi sila po ang inaasahan na lamang ng publiko na siyang may tamang pagpapatupad ng batas.

Gumagalang

Concern Residence

Paging Napolcom Chairman atDILG Sec.Jesse Rebredo sir.pakiimbitigahan naman ang San Jose delmonte  Police kasi hindi umano ito patas kung mag pairal ang magpatupad ng batas at nawa idaan sa masusing pag sisisyasat.At sa mga imbestigador ng PCP-1 tungkong pulis naway pag aralan po ninyo muna bago ninyo samapahan ng kaso ang mga dumudulog sa inyo maging suspek ito o biktima hindi iyong na sa isip ninyo ay codetuhan.At  kay Chief of pulis Marco Rivero Sir. pag kabaro ninyo ang humihingi ng tulong bulag kayo  at kakampihan agad ninyo pero kahit  miyembro ng  maipluwensiyang relihiyon ang lumapit sa inyo iwas  pusoy kayo sa pagtulong.

Bukas po ang aking kolum para sa  inyong panig at kapaliwagan.

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA.

Cellphone Numbers: GLOBE-09165982736 SMART-09193628223

EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com,
www.tiradabalita.com,arnel_petil@yahoo.com,

arnelpetil12@gmail.com.misyonaksyon.blogspot.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahilan para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply