Pulis, pulis, pulissss!

HINDI magkandaugaga ang mga awtoridad sa kasasalag sa mga raliyesta para sa Mayo 1, ang Labor Day.

Ang akala ng mga nasa Palasyo, tila magugunaw na ang mundo.

Pero ang pag-asa nila para hindi magunaw ang mundo ay ang libo-libong pulis. Ano nga naman ang katapat ng tinatayang nasa 30,000 na raliyesta mula sa isang grupo lamang?

Pulis lang ang inaasahang katapat ng mga ito. Siyempre, may bak-ap na mga sundalo ang mga pulis. May bitbit ang mga ito na armalayt at panagupang mga  tangke de gera.

Baka yung mga inasayn pa nga sa Panatag Shoal na dapat magbantay sa mga Intsik ay winidro para lang magbantay sa Palasyo  na takot na takot sa pagkagunaw ng kanilang mundo.

Ito ang mahirap sa pagkakaroon ng kasaysayan na ang mga raliyesta ang pasimula ng mga pipol pawer na kayang magpalit ng gobyerno.

oOo

Adbaysan na lang natin si PNoy, Suki.

Huwag po ninyong  katakutan ang sarili ninyong mga kababayan. Milyon-milyon po ang nagluklok sa inyo sa Palasyo at sa oras ng kagipitan, sila rin ang inyong tagapagtanggol sa anomang pagtatangka na alisin kayo sa puwesto bilang Pangulo.

Nagrarali o nagtatampo ang mga yan dahil marami sa mga pangako ng Palasyo ang hanggang ngayon ay hindi natutupad. Por eksampol, higit na dumarami ang nagugutom kaysa hindi at higit na dumarami ang istambay kaysa magkaroon ng trabaho at hanapbuhay.

Ang higit na katakutan ninyo ay ang mga puwersang tatalikod sa inyo. Yung mga may kakayahang dalhin kayo sa Hawaii sa halip na sa Paoay.

Kasaysayan na po ng ating bansa na kung wala nang silbi sa mga dayuhan ang lider ng bansa, basta na lang ito pinapalitan sa iba’t ibang paraan gaya ng pipol pawer o halalan.

At ang walang silbi ay yung hindi nakatutupad ng pangako kay Juan at sa mga dayuhan. Hek-hek-hek!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply