Pulis umalma sa P8.00 singil sa pasahe, namaril

AGAD nagreklamo sa pulisya ang isang multicab driver matapos tutukan ng baril bago nagpaputok ang isang pulis na umalma sa kanyang singil na P8.00 na pamasahe.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si Krisanto Tangele, ng Cabalawan, Tacloban City habang ang suspek ay natukoy na si Andy Rafales, nakadestino sa Hinabangan PNP at nagpakilalang pulis at nanutok ng baril bago nagpaputok.

Ayon kay Tangele, nangyari ang panunutok ng pulis ng baril nang kanyang suklian ng P12.00 ang P20.00 na pamasahe nito.

Ikinagalit umano ng suspek ang over charging ng driver sapagkat sa pagkakaalam niya ay P7.00 pa lamang ang pamasahe papuntang Nula-Tula, kung saan siya nakatira.

Nang mangatwiran ang driver na P8 na ang pasahe matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 8 ang provisionary fare ay bumunot ng baril ang suspek saka tinutukan ang biktima bago iyon pinaputok.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply