Pulitika sa graduation

INULAN ng batikos ang paglutang ng mga politiko sa mga graduation sa mga pampublikong paaralan. Naglalakihang tarpaulin ng pag-bati ng congratulations sa mga nagsipagtapos ay nakasabit sa mga paaralan. Mga pamaypay na may larawan na nakangiti ang politiko, mga bulaklak na may pangalan, scholarship certificates at iba pa ay pinamimigay sa mga tao. At ang pinakasusuya ay ang mahahabang talumpati ng mga politiko na tila ginawang miting de avance ang graduation.

Mismong Kagawaran ng Edukasyon na ang umapela na sana ay huwag gagamitin sa pangangampanya ang graduation.

Bilang isang dating konsehal ng Lungsod Quezon ay nauuna-waan ko ang pagdalo ng mga government official sa graduation sa mga paaralan. May pormal na imbitasyon ang mga punong guro sa mayor, vice-mayor, konsehal at iba pa. Sa mismong daloy ng programa ay nakalagay roon na magsasalita ang mayor at cong-ressman ng distrito o kaya naman ay ang kinatawan nila.

Malaking exposure sa tinatawag na “captive audience” ang pagdalo  sa graduation para sa mayor at kongressman kaya naman napaha-haba ang talumpati niya at isinasaad na rin ang mga naitulong niyang proyekto o programa sa paaralan. Nakasanayan na rin ang paglagay ng pagbati ng congratulations sa tarpaulin dahil nga sa rami ng tao sa graduation at malaking tulong ito sa “exposure” ng politiko.

Matagal nang binabatikos ang pagdalo ng mga politiko sa gradua-tion at ilang ulit nang nananawagan ang DEPED para rito. Ngunit mismo ang mga punong guro at school superintendent ang nag-aanyaya. Hindi rin naman pwedeng tahasang ipagbawal ang pagdalo ng mga politiko sa graduation. Maraming proyekto ang mga ito na school building, covered court at iba pa sa mga paaralan. Maraming scholars na pinag-aaral ng mga ito kapag gra-duation na dumalo sila dahil sa utang na loob. Salat din sa medalya ang mga paaralan kaya’t humihingi pa ang mga punong guro sa mga politiko.
At nagbibigay rin ng pabuyang “cash” ang mga ito sa mga honor graduate.

Sang-ayon ako na huwag ga-mitin ang graduation sa pamumuitika. Ngunit anomang pagdalo o pagtulong na gagawin ng isang politiko ay itinuturing na pamumu-litika.
Kapag nagsalita ang politiko at naglahad ng kanyang mga proyekto ay tumataas na ang kilay ng iba at ituturing na pangangam-panya na ang ginagawa.

Sa aking karanasan, bilang konsehal ay may mga mungkahi ako na magbibigay-“balanse” sa sitwasyon upang sa gayon ay hindi naman ituring na pamumulitika ang pagdalo ng mga politiko sa graduation.

Hayaan dumalo ang mga government official dahil kasama yan sa kanilang trabaho.
Ngunit limitahan lang ang oras ng kanilang pagsasalita para hindi humaba ang talumpati. Limitahan din ang pag-akyat sa entablado o kaya naman ay huwag ang pulitiko ang magbigay ng diploma sa mga nagsipagtapos. Ibawal ang diploma sa mga nagsipagtapos. Ibawal ang pamimigay ng kahit among bagay pamaypay, pagbati, leaflets etc. sa loob ng paaralan. Ang mga pagbati naman na tarpulin, hangga’t walang batas na pinagbabawal ito ay ilagay sa isang lugar na hindi magiging sagabal o distraction kapag dumadaloy na ay programa.

Kailangan din ang tulong ng mga pulitiko dito na tulungan nilang mapanatiling solemn ang graduation. At ang pagbibigay-pugay sa mga tunay na bida kapag graduation.

ANG MGA GRADUATE AT ANG KANILANG MGA GURO AT MAGULANG.

Hindi man tuluyang maiwasan ang bahid pulitika sa mga graduations, ang mahalaga pa rin ay ang tagumpay ng mga nagsipagtapos. CONGRATULATIONS.

****

Maligayang kaarawan kila kagawad Julius Duenes ng karaming. At sa ating mga kaibigan Ana Falcon ng UP Campus, Aida Collado ng Aurora at Mam Anchit Solitario ng Sto. Nino. God Bless.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply