Quezon City hinuhulmang maging e-city

UNTI-UNTI nang hinuhulma na magng isang e-city ang Quezon City.

Ito ay matapos na aprubahan ng 26 na miyembro ng QC Council ang isang resolusyon na magbibigay ng hudyat sa lokal na pamahalaan na lumikha ng sarili nitong Information System Strategic Plan (QC-ISSP) upang maging maayos ang paghahatid ng batayang serbisyo sa mamamayan ng lungsod.

Sa bisa ng resolusyon, nabigyan ng mandato ang QC Information Technology Development Office (QCITDO) na pinamumunuan ni Engr. Reynald Paul Imjada, na suriin ang implementasyon ng tatlong taon na automation initiative ng siyudad na inindorso ng National Computer Center.

Bago ito, inihayag ni Mayor Herbert Bautista ang pangangailangan ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng mga bagong teknolohiyang magagamit para mapabuti at maging epektibo ang pagbibigay ng serbisyo publiko ng siyudad.

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na tuluyang maipasok sa pang-araw-araw na operasyon ng iba’t ibang tanggapan ang information technology, inilunsad din ng QC Hall ang mas modernong koneksyon ng internet sa mga opisina rito kabilang na ang legislative at executive departments na walo sa pinakamataas na gusali ng city hall.

Dahil sa pag-upgrade, nasa 15 mbps na ang internet connectivity dito mula sa 6mbps.

Sa kasalukuyan, ang mga kasalukuyang proyektong ipinatutupad ng city government para sa mas makabagong teknolohiya ay kinabibilangan ng eGIS (mapping system) at CHITS para sa city health department; eTAXMAPS ng city assessor’s office at ang Philippine Business Registry para sa business permits and licensing office.

Patuloy din ang computerization ng operasyon ng iba’t ibang departamento at tanggapan sa city hall.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply