Quirino Hospital kapos na sa kama – Ona

INIULAT ni Health Secretary Ona sa Senate committee on health and demography na umaabot sa tatlong pasyente ang gumagamit sa bawat kama sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa Quezon City kaya kailangan nang pagtibayin ang panukalang dagdagan ang bed capacity ng ospital.

Sa kanyang position paper na isinumite sa komite na pinamumunuan ni Sen. Pia Cayetano, sinabi ni Ona na base sa 2010 Annual Statistical Report of 2009, ipinakikita na ang Bed Occupancy Rate (BOR) ng QMMC sa awtorisadong bed capacity ay 160.43% habang kung pagbabasehan ang tunay na kapasidad, aabot sa 148.94% ang BOR nito na indikasyon na may 2.7 pasyente na umuukupa sa bawat kama.

“Dahil dito, may mahigpit na pangangailangan na dapat itaas ang awtorisadong bed capacity ng ospital upang suportahan ang lumalagong occupancy rate nito,” ayon kay Ona.

Nagsagawa ang komite ni Cayetano ng pagdinig nitong Martes hinggil sa iba’t ibang panukala kabilang ang regulasyon sa health services, paglalantad ng price list sa healthcare services at pagbabawal sa paniningil sa on-the-job training ng bagong graduate sa kursong nursing.

Sinabi pa ni Ona na dapat kaagad maipasa ang panukala upang mapagsilbihan ang lumalagong bilang ng pasyente na nagpapagamot sa naturang ospital.

Iginiit pa ni Ona na nagbibigay din ng radiological services ang ospital tulad ng chest x-ray, ultrasound, CT Scan at MRI, at masyadong mataas ang bilang ng kumukuha ng naturang serbisyo.

“In 2008 there were 47,334 patients who availed the Radiological services while in 2010, 84, 437 were served,” patapos ni Ona.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply