‘Rapist’ na Japanese nat’l nagpasaklolo kay Lim

PINAIIMBESTIGAHAN na ni Manila Mayor Alfredo Lim ang reklamo ng isang Japanese national na nabiktima lamang siya ng frame up ng prostitutes, kasabwat ang ilang pulis sa Maynila.

Nabatid na humingi ng tulong sa tanggapan ng alkalde ang Japanese Embassy  dahil sa sinapit ni Yukiya Haga, 40, pansamantalang nanunuluyan sa Bayview Park Hotel sa Roxas Blvd., Manila.

Ayon  kay Haga, dumating siya sa Pilipinas noong March 17 upang makipagkita sa isang Racquel Estaquio na kanyang nakilala sa Facebook bilang “Brenda.”

Noong March 19 ay nagkita ang biktima at si Brenda sa Pan Pacific Hotel kung saan hinanap ng huli ang ipinangakong chocolates ng una at dahil nasa kanyang tinutuluyang hotel ang mga nasabing chocolates ay nagtungo ang dalawa sa nasabing hotel.

Sa nasabing hotel, matapos ibigay ng biktima ang mga ipinangakong chocolates kay Brenda ay nag-usap sila sa isang coffee shop nang dumating ang sinasabing kapatid ni Brenda na si Luisa at nagkaroon ng komosyon nang basta na lang sampalin ng huli ang kanyang kapatid hanggang sa dumating naman sa eksena sina PO1 Ronald Flores at PO1 Vincent Paul Medina at inaresto ang biktima.

Nabatid na humihingi ng P1 milyon areglo ang magkapatid na Brenda at Luisa sa kasong rape at nang walang maibigay ang biktima ay tuluyan siyang ikinulong sa MPD-Station 5.

Ayon naman kay Atty. Jossue Zuniga, nagtataka ang kanyang kliyente kung bakit ang dalawang pulis ang nagpa-follow up sa P1 milyon na hinihingi ng magkapatid.

Gayunman, natuklasan ng Japanese Embassy na peke ang pagkakakilanlan ng dalawang nagreklamong babae matapos magbigay ng kanyang birth certificate ang tunay na Raquel Estaquio.

Itinanggi rin ng tunay na Racquel na nakipagkita siya kay Haga noong March 19 at walang naganap na rape  at wala rin siyang kapatid na Luisa.

Itinanggi rin ni Racquel na nagpa-medical siya sa NBI.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply