Rapist ng 7-anyos paslit sa CamSur arestado

AGAD ding nadakip ng mga pulis ang prime suspect sa panggagahasa at pagpatay sa isang pitong taong gulang na babae sa Labo, Camarines Sur sa ulat ng PNP kanina.

Sa report na nakarating sa Camp Crame,  nadakip sa isinagawang follow-up operation ang pangunahing suspek sa nanghalay sa batang biktima na itinago sa pangalang Amor, natagpuang wala nang buhay at may saksak sa tagiliran.

Aminado naman sa krimen ang suspek na si Jomer Adona, ng nasabing barangay.

Ang biktima ay iniwanang may tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib at nakahubo.

Nakapiit na sa Labo PNP ang suspek kung saan sinampahan na ng kasong rape with homicide.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply