Rayver takot magkomento sa rating ni Cristine

NOONG kasikatan ng singer ay napasagot ang magandang starlet. Pero sa lakaran, nagmumukhang dyulalay ng girlita ang singer. Tagabitbit pa ng bag. Personal bodyguard.

Nang mawala ang kasikatan ng mang-aawit na itetch, tila natauhan ang hitad.

Nahimasmasan ito sa bangungot na kinasasadlakan nya. Napagmasdan nitong ang kanya palang boyfriend ay parang kargador sa pier. Kahit speaking dollar pa ito, parang magsasaka pa rin ang dating.

Naghanap ng kapwa niya foreigner ang starleta at nakipag-date. Nagalit at nagwala raw ang kulang sa face-value-ng singer at nasaktan diumano nito ang girlfriend kaya nauwi sa break-up ang kanilang relasyon.

***

Rayver takot magkomento sa rating gf

Nasukol ng mamamahayag si Rayver Cruz sa 1st MTRCB Child Summit na ginawa sa Malacañang 3 days ago. Tinanong siya tungkol sa kasong kinahaharap ngayon ni Cristine Reyes pero ayaw sumagot ng binata. Huwag na raw pag-usapan ang isyu na yun.

Itong tungkol sa MTRCB na lang daw ang pagtuunan ng pansin na kung saan isa siya sa panelist.

Ayon sa nasasagap nating tsismis, afraid si Rayver kay Cristine dahil baka magsalita ito against him sa mga pangagatas, pangungutang at panlalamang umano niya sa dalaga nung panahong lovey-dovey pa sila.

***

Marian kinaiinisan ng commercial models

Kung noon ay sandamakmak ang mga ini-endorso ni Marian Rivera, ngayon ay mangilan-ngilan na lang. Hindi na siguro siya effective as commercial model kaya hindi na kinukuha. Isa pa’y puro negatibo ang mga nasusulat sa kanya.

Isang kapwa niya endorser ang nagtext sa amin. Aniya, mahirap daw katrabaho si Marian. Nakapapagod. Maarte. Ang isang komersyal na ginagawa nila para na rin silang gumagawa ng pelikula sa tagal matapos dahil sa mga kaartehan ng Kapuso star na ‘to.

Imagine, si Marianita ang aarte, iba ang magre-rehears para sa kanya. Kaya sa actual ng paggiling ng camera paulit-ulit ang take dahil wow mali parati ang hitad.

Hindi pa raw ito napapansin. Animo’y robot na naglalakad sa tigas ng leeg. Mabuti pa raw si Dingdong Dantes super bait, ma-pr at nakikipag-usap sa mga fans, crew at nagpapakuha pa ng picture sa mga nakikiusap sa kanya. Ang syota nito dead, este, deadma. Hehehe!

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply