Re-registration, sa Maguindanao na lang

SA Maguindanao na lamang gagawin ang re-registration ng mga botante at hindi na sa iba pang lalawigan na sakop ng Autonomous Region in Muslim Mindanao ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sa resolusyon ng Comelec, nakasaad na wala nang sapat na panahon ang komisyon para magsagawa ng general registration sa buong rehiyon.

Ipinaliwanag naman ni Comelec spokesman James Jimenez na kinakailangan bago matapos ang Disyembre ng taong ito ang pinal na listahan ng mga botante para sa printing at alokasyon ng mga balota sa bawat polling place sa buong bansa para sa 2013 election.

Kapag naiba aniya ang iskedyul ng pag-print ng mga balota ay makaaapekto ito ng malaki sa preparasyon para sa halalan at ang pinakamatindi ay magkaproblema sa security features ng balota.

Una nang iniutos ni Pangulong Aquino sa Comelec na magsagawa ng general re-registration sa ARMM bago ang 2013 elections gamit na ang biometrics system dahil na rin sa sinasabing talamak na dayaan kapag sumasapit ang halalan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply