Pagtalaga kay Lagman ikonsidera – Comelec

NAIS ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na ikonsidera ni Pangulong Benigno Aquino III ang re-appointment kay Commissioner Augusto Lagman.

Ito ay matapos aminin ni Brillantes na mahihirapan ang komisyon sakaling muling magtatalaga ng bagong commissioner ang Malakanyang, isang taon bago ang susunod na halalan.

Dagdag pa ng opisyal, matagal na nilang nakasama si Lagman at madali itong pakisamahan.

Naunang kinastigo si Lagman nang kontrahin ang nais ng Comelec na bilhin ang mga second-hand na PCOS machines na gagamitin para sa 2013 elections.

Inamin naman ni Lagman na nauunawaan niya ang posisyon ng Pangulo at nanatili ang kanyang suporta sa administrasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply