Recognition day

MALIBAN sa graduation, isa rin sa ikinagagalak ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang ang RECOGNITION DAY. Ito ang araw na binibigyan ng pagkilala at parangal ang mga natatanging mag-aaral na naging mahusay sa academic subjects at sa iba pang aktibidad tulad ng sports o iba pang larangan ng paligsahan. Maraming pagkakataon na naging bahagi tayo ng mga RECOGNITION DAY ng mga paaralan bilang guest speaker.

Saksi ako sa tuwa ng mga magulang sa bawat medalyang isinasabit sa kanilang anak at sa galak nila sa bawat parangal na natatanggap ng anak. Mababakas mo sa kanilang mukha ang ngiti ng kaligayahan na pumapawi ng pagod nila sa isang taong paghihirap na mapag-aral ang mga anak.

Sa aking pagsasalita, lagi kong binabati ang tagumpay nila. Ang bawat medalya o parangal na kanilang natatanggap ay magsisilbing inspirasyon na lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang pag-aaral hanggang sa makatapos sila. Bahagi ng kanilang tagumpay ang paghihirap ng magulang at gabay ng kanilang mga guro ng paaralan.

Kasama na rin dito ang pagtutulungan ng mga kapwa mag-aaral lalo na sa mga aktibidad na kung saan naging kinatawan sila ng paaralan sa mga patimpalak o paligsahan na kanilang sinalihan.

Binigyan pansin ko rin ang mga mag-aaral na hindi man nagkaroon karangalan sa taong iyon ay huwag nilang tutuldukan ang kanilang paghahanda o pagsasanay dahil may panibagong taon na magbibigay muli ng pagkakataon sa kanila na makamit ang tagumpay.

Ang kasabihang “try and try until you suc-ceed” ay isang motto na dapat isa-puso at ilagay sa isipan para marating ang inaasintang tagumpay. Walang puwang sa kalooban
ang pagsuko.

Tagubilin ko rin na bagama’t natural lang na ipabalita ang kara-ngalang nakamit, hindi ito dapat ipagyabang. Bagkus, gawing inspirasyon na lalo pang pagbutihin ang pag-aaral at gawing magandang halimbawa para sa ibang mag-aaral, kapatid at kaibigan.

Sa programa ng recognition day o araw ng pagkilala ay inaanyayahan din tayong magsabit ng medalya sa bata. Ngunit sa halip na ako mismo ang maggawad ng parangal ay ipinatatawag natin ang magulang ng bata at ibinibigay ang medalya sa kanya.

“Nanay, kayo po ang magsabit ng medalya sa inyong anak.” At sinasabi ko naman sa bata “Iho, o Iha, ialay mo ang iyong medalya sa magulang mo dahil kabahagi sila ng inyong tagumpay.

Pagkatapos ay magkayakap sila na bumababa ng entablado.

So mga readers, sa inyong lahat congratulations sa tagumpay at naway taon ng pagtatapos ng inyong mga anak. GOD BLESS!

* * * *
Happy Birthday kila Elmer De La Cruz ng Doña Aurora. Sec. Kirby Remandaban ng Central. Lorna Colocar ng OCS at Apeng Barbon ng Kalusugan.

Pagbati rin sa mga sumusunod na lupang tagapamayapa, Noli Aquino at Aline Margaret Lumague ng Sacred Heart, Lazaro Santos ng Obrero at Brod Manny Calleja ng Roxas.

Pagpatuloy po natin ang maayos na pandinig sa mga kaso sa barangay. May kasabihan na mas mabuti na ang mag-ayos Kaysa dumaan sa paglilitis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply