Red Cross aalalay sa mga biyahero ngayong Holy Week

TUTULONG ang Philippine National Red Cross sa mga biyaherong uuwi sa kanilang mga probinsya ngayong Holy Week.

Magtatalaga ang Red Cross ng mga volunteer sa mga bus terminal at pantalan para tumulong sa mga biyahero.

Ayon sa Red Cross, kadalasang nae-encounter nila ay mga minor case tulad ng pagkahilo at biglang pagtaas ng BP (blood pressure) sanhi ng mainit na panahon.

Pinayuhan din ng Red Cross ang mga bibiyahe na itsek at ikondisyon muna ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe.

Mas mainam rin ayon sa Red Cross kung magdadala ng first aid kit sa biyahe.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply