Red tide sa Pangasinan inalis na ng BFAR

MATAPOS ang apat na buwan ay inalis na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang babala ng red tide toxins sa mga baybaying sakop ng Pangasinan.

Ito ang kinumpirma ni BFAR Director Asis Perez matapos magnegatibo na sa red tide ang pagsusuri ng mga dalubhasa sa mga katubigan sa mga baybayin ng Bolinao, Anda at Alaminos sa Pangasinan.

Ibig sabihin ay ligtas nang kainin ang shellfishes na makukuha sa mga nasabing lugar.

Magkagayunman, sinabi ni Perez na nananatili pa rin ang babala ng red tide toxins dahil masyado pa rin aniyang mataas ang paralytic poison sa ilang mga lugar gaya  sa Dumanquillas bay sa Zamboanga del Sur, Murcielago bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental at Masinloc bay sa Zambales.

Gayundin sa Bataan coastal waters na sinasakop ng mga bayan sa Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani , Abucay at Samal.

Kasama rin sa  shellfish ban ang mga lugar sa Matarinao Bay sa Eastern Samar kabilang ang alamang sa ipinagbabawal na kainin sa nasabing lugar

Puwede namang manghuli ng pusit , Alimango at isda sa mga lugar pero kailangan aniyang linising mabuti, alisan ng hasang at bituka bago lutuin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply