Regulasyon sa matrikula, miscellaneous fee unahin

UMAPELA ang isang kongresista na unahin ng mga kaalyado ni Pangulong Aquino sa Kongreso ang regulasyon sa miscellaneous fee at tuition fees sa halip na maging abala sa impeachment.

Ito ang panawagan ni Kabataan partylist Rep. Raymond Palatino para aniya sa resumption ng sesyon sa Mayo ay ang usapin na ang atupagin ng Kongreso.

Kasabay nito, binigyang diin ni Palatino na babantayang mahigpit ng sektor ng kabataan ang kahina-hinalang pagtataas sa miscellaneous fees sa mga paaralan.

Pinuna ni Palatino ang aniya’y kawalan ng regulasyon ng gobyerno sa miscellaneous fees na sinasamantala ng ilang unibersidad.

“We will push for regulation of miscellaneous fees in schools. Kung sa tuition fee hindi mahigpit ang regulasyon, sa miscellaneous fees talagang bulag ang gobyerno. Ang dami-daming sinisingil sa mga estudyante kasi hindi regulated,” ayon sa mambabatas.

Kabilang aniya sa karaniwang sinisingil sa paaralan na dapat sana ay bahagi ng serbisyo ay ang internet fee, aircon fee, registration fee, development fee at iba pa.

Ayon pa kay Palatino, kapag hindi pa nanghimasok ang Kongreso sa usapin ay aabutin pa aniya ng dalawang taon bago makahinga nang maluwag ang mga magulang sa nasabing mga bayarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply