Repair sa seawall ng Roxas Blvd. tapos na– DPWH

TULUYAN nang natapos ang pagkukumpuni sa seawall sa Roxas Boulevard sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay DPWH National Capital Region Director Reynaldo Tagudando na noong nakaraang linggo lamang natapos ang pagkukumpuni sa naturang seawall.

Sinabi ni Tagudando na ang pagpapaganda o beautification na lamang sa kahabaan ng Roxas Blvd. ang tinatapos ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Nabatid na ang seawall ay may taas na 24 inches at may lapad na 1 punto 2 metro.

Umaabot sa P97 milyon ang halaga ng pagkakumpuni sa seawall na winasak ng bagyong Pedring na nanalasa noong Setyembre, 2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply