Repatriation ng mga OFW mula Syria tuloy

NAKATAKDANG umuwi sa bansa ang 11-Overseas Filipino workers (OFWs) mula sa nagkakagulong bansang Syria ngayong araw at bukas, Abril 6

Bagamat ginugunita ang Semana Santa, inaasahang darating sa Manila ang OFWs ngayong Huwebes Santo at bukas, Biyernes Santo.

Ipinagpapatuloy ng Philippine Embassy sa Damascus ang pagpupursige para mailikas ang mga OFWs upang mailigtas sa kapahamakan sa nagkakagulong bansa.

Anim na OFWs ang lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakay ng  Emirates Airlines Flight 334 at 332, mamayang  3:55 ng hapon at  9:55 ng gabi.

Lima sa OFWs ay darating lulan ng Emirates Airlines Flight 332, bukas Biyernes ng alas  9:55 p.m.

Ang darating na OFWs na inilikas ay aabot na sa kabuuang bilang na 1,221.

Sa ngayon, sinisikap ng Philippine Embassy sa Damascus na kung maaari ay mailikas ang maraming Pilipino para hindi na umabot pa sa kapahamakan ang mga kababayan kahit Holy Week.

Nitong December 2011, itinaas ng pamahalaan sa alert level 4 ang sitwasyon sa Syria bunga ng patuyloy na kaguluhan at security situation.

Samantala inabisuhan naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pamilya ng OFWs na nananatili pa sa bansang Syria na ibigay ang contact numbers at lugar na kinaroroonan ng OFWs para mailagay sa ayos ang agarang paglilikas sa kanila.

Para sa mga interesadong pamilya, makipag-ugnayan lamang sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (DFA-OUMWA) sa  (02) 834-3245 or (02) 834-3240.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply