Reporter itinumba ng riding-in-tandem

ISA na namang mediaman ang namatay matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Laguna, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Michael Jayson Calanasan, 36, manunulat ng lokal na pahayagan sa nasabing lalawigan.

Sa imbestigasyon, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima kaangkas ang kanyang misis nang tambangan ng mga salarin sa Barangay Sta. Monica saka malapitang binaril.

Matapos ang krimen ay agad na nagpulasan ang mga salarin.

Inaalam na ng pulisya kung may kinalaman ang krimen sa pagkakasangkot ng biktima sa kidnapping case sa Las Piñas City noong nakaraang taon kung saan nakuha ang baril nito sa crime scene.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply