Rerouting sa Earth Day celebration bukas ipatutupad

IPATUTUPAD ng pamahalaang lungsod ng Makati ang traffic rerouting scheme sa ilang pangunahing lansangan sa siyudad, partikular sa Makati Central Business District (CBD) bukas para sa pagdiriwang ng Earth Day 2012.

Ayon sa pamahalaang lungsod ng Makati, makakaranas ng pagsisikip ng daloy ng trapiko bukas ng umaga ang mga motorista sa ilang pangunahing lansangan sa naturang lungsod dahil sa nasabing pagdiriwang.

Ayon kay Ayala Property Corporation Traffic Consultant Estela Loat, isasara sa lahat ng uri ng sasakyan ang Westbound lane ng Ayala Ave. mula Makati Ave. hanggang Paseo de Roxas, Northbound lanes ng Paseo de Roxas mula Ayala Ave. hanggang sa Makati Ave. at Southbound lanes ng Makati mula Paseo de Roxas hanggang Ayala habang isinasagawa ang programa kaya’t maaaring makaranas ng masikip na daloy ng trapiko ang mga motorista na dadaan sa kahabaan ng Ayala Avenue, Paseo De Roxas, Makati Avenue, Gil Puyat at Pasay Road nang nasabing lungsod.

Magsisimula ang rerouting sa ganap na 6:00 ng umaga 10:00 ng umaga.

Mahigpit namang magbabantay ang Makati City Police, Makati Fire Department, Makati Command Control Center (C3) at Makati Public Safety Department sa nasabing pagdririwang.

Samantala, may temang “Everyday, Everywhere” ang Earth Day 2012 na pangungunahan ng Makati City.

Ang selebrasyon ay isasagawa sa Ayala Triangle Gardens at Tower One & Exchange Plaza.

Mangunguna sa nasabing pagtitipon si Makati Mayor Erwin Binay kasama ang ilang matataas na opisyal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply