Residenteng idedemolis sa Old Balara sumugod sa QC Hall

SUMUGOD ang mga residente ng ide-demolish na bahagi ng Barangay Old Balara at tinangkang  pasukin ang Quezon City Hall.

Ngunit hindi nakalusot ang mga nagprotesta dahil hinarang sila ng mga guwardiya at pulis sa  Gate 7 pa lamang.

Mula sa Commonwealth Avenue, nagmartsa ang mga residente sa pangunguna ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay).

Isinisigaw ng mga residente na huwag silang palayasin sa mga kalye ng Liwanag, Dupak at Pook Dinapas sa Old Balara matapos silang makatanggap ng notice mula sa City Hall.

Samantala, pahayag naman ni Tadeo Palma ng QC Office of Secretary to the Mayor, nakatirik ang bahay ng mga residente sa kalsadang peligroso hindi lamang sa kalusugan, ngunit pati sa baha at sunog.

Nakasaad aniya sa Republic Act 7279 Sections 28 at 29 na dapat mailipat ang mga nakatira sa delikadong lugar sa tulong na rin ng National Housing Authority (NHA).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply