Retirement benefits maagang ipapa-release

PAGKARETIRO ng isang opisyal o empleyado mula sa pribadong sektor at sa gobyerno ay dapat na ring makuha nila ang kanilang retirement benefits sa loob lamang ng 30 araw.

Ito ang nilalaman ng House Bill 621 ni Rep. Juan Edgardo “Sonny” Angara upang maibsan aniya ang matagal na paghihintay ng mga nagreretiro bago malasap ang bunga ng kanilang pinagpaguran sa loob ng maraming taon.

Sa katunayan, ayon sa mambabatas, nagiging masaklap nang karanasan ng ilang retiradong empleyado ang matagal na makuhang benepisyo sa ilang kadahilanan tulad ng clerical errors mula sa SSS o GSIS.

“We have heard the complaints of numerous retiring members from the GSIS and the SSS who appeal for assistance from our office to intervene for them so that their retirement benefits and pensions could be paid to them as early as possible,” ani Angara.

Sa ilalim ng HB 621, nasa konsiderasyon na ng House committee on government enterprises and privatization na aprubahan nang ibigay kaagad ang retirement benefits ng retiradong mga empleyado o opisyal ng gobyerno o nasa pribadong sektor.

Ang lalabag ay maaaring masentensiyahan ng isang taong pagkakulong at multang P10,000.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply