Reward money vs ex-Gov Reyes tinaasan pa

TINAASAN pa ng awtoridad sa P600,000 ang pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaaresto ni dating Palawan Gov. Joel Reyes at kapatid niyang si Coron Mayor Mario Reyes Jr.

Ani Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo, bukod sa naunang reward, naglabas ng P300,000 ang kaniyang tanggapan para sa dalawang suspek sa pagpatay sa broadcaster na si Gerry Ortega.

Sinabi pa ng kalihim na may ilang indibidwal pa ang tumulong sa kanila para makaipon ng reward money sa ikadarakip ng mga suspek.

Nauna nang ipinadala ng dating gobernador na paano siya susuko kung wala naman siyang maasahang patas na pagtrato sa kanyang kaso.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply