Reyna ng smuggler sa Clark konsehal na anak, padrino

NAKATANGGAP tayo ng reaksyon kaugnay ng nailathala nating smuggler na ubod ng lakas sa Port of Clark sa Angeles City.

Aba hanggang ngayon ay patuloy raw na nagpapasasa sa nasabing pantalan ang nasabing smuggler.

Basahin natin ang reaksyon na itineks po sa atin ng isang asset.

Good am, Mr. Magalona.  Nabasa ko ang pinasabog niyong news dito sa Port of Clark na si Fe Andres  na tinaguriang Reyna ng ismagler. Malakas siya sa Customs lalo na kay Customs District Collector Dela Cuesta at sa Customs police at PNP.

May anak din si Fe Andres na isang konsehal sa bayan ng Angeles City.

May bigtime din na Martin ang apelyido sa loob na matagal na ring nag-ooperate ng smuggling sa Port of Clark.

Mantakin ninyo, itong si Martin  na ilang panahon lang sa kanyang iligal na negosyo ay nakapagpatayo na ng isang hotel sa Sta. Maria 1 Subd., Balibago, Angeles City.

Sana Mr. Magalona ay mailathala ninyo ito para naman matigil na po ang kanilang ginagawang  smuggling dito sa Port  of Clark sa Angeles City.

Please confidential po sana ito. Salamat po.

VK SA BULACAN AT LAGUNA PADER

Gumawi naman tayo sa lalawigan ng Bulacan at muli nating sulyapan itong sandamakmak na video-karera na pag-aari nitong si Carlito na tinaguriang “Little Mayor” ng Meycauayan, Bulacan.

Ang area of operation ng mga VK ni Carlito ay nasa Balagtas at Meycauayan.

Hindi matinag-tinag ang kanyang mga VK dahil malakas sa pulisya at kay Gov. Willy Alvarado.

Sa Alaminos, Laguna naman, isang alyas Jojo ng Alaminos ang may-ari ng sangkaterbang VK.

Walang pakialam ang pamunuan ni Laguna PD Supt. Gilbert Cruz dahil malaki ang lingguhang intelihensya na ibinibigay nito sa mga pulis.

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog @yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply