Rice smuggler kinasuhan sa DOJ

SINAMPAHAN ng kasong smuggling sa Department of Justice (DOJ) ang mga negosyanteng responsable sa pagpupuslit ng P24-milyong halaga ng bigas papasok sa bansa noong nakalipas na Setyembre 2011.

Sinabi ni Customs Commissioner Ruffy Biazon, nasabat ang nasabing imported rice mula sa 33 20-footer container van, na idineklarang foot dry barite powder ng kompanyang JEXAND Trading, na pag-aari ng isang Joel San Jose Babon.

Kabilang din sa nahaharap sa kasong smuggling ay ang broker na si Diosdado Ybañez Cubelo, na nagdeklara sa import entries shipment na ang nasabing container vans ay naglalaman ng foot dry baryte powder.

“The Bureau of Customs will never allow scheming traders like JEXAND Trading to be left untouched, no matter who they are connected with, if only to protect the interest of local farmers and to ensure the collection of proper duties and taxes by the government, ”paliwanag ni Biazon.

Kinumpiska ng gobyerno ang nasabing shipment kaugnay sa paglabag sa Sections 2503 at 2530 ng the Tariffs and Customs Code of the Philippines.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply