Riding-in-tandem utas sa engkwentro sa Makati

TODAS ang riding in tandem nang makaengkwentro ang pulisya sa Lacuna, Osmena Highway sa Makati City kagabi (Abril 1), ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Kinilala ang mga napaslang na suspek na sina Ronald Infante, 33, residente no. 2146 Severino St., Sta. Cruz, Manila at Jenny Almanon, 35, ng No. 131 Lot 87 Dolmar Subdivision, Llano Caloocan City.

Batay sa report, naganap ang engkwentro dakong 9:05 kagabi, sa harap ng Makati View Park Gen. Lacuña St., sa nasabing lungsod.

Tinangay ng isa sa mga suspek ang close delivery van (XLE-402) na dala ni Strauss Eneiquez 32, Shutter ng LBC Rockwell branch.

Nataranta ang biktima nang mabangga nito ang center island at tumakbo sa isang gasoline station at nakakuha ng atensyon sa mga pulis.

Tinangka pang patakbuhin ng mga suspek ang van pero naharang sila ng mga pulis na nagresulta sa palitan ng putok hanggang mapatay ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply