Rocket launch magdudulot ng negatibo sa geopolitics sa Asya – solon

NEGATIBONG implikasyon sa geopolitics ng Asia Pacific Region ang idudulot ng missile launch ng North Korea .

Ito ang tahasang sinabi ni Cagayan Rep. Jack Enrile matapos makatanggap ng balita ang NDRRMC maging ang Department of National Defense na ngayong umaga sana paliliparin ng NoKor ang naturang missile.

“The success of this launch will send the message that North Korea can fire an armed missile anywhere in the region, and that will create some tensions,” ayon kay Enrile.

Subalit wala aniyang dapat ipangamba ang publiko maging ang mga lugar na sinasabing posibleng bagsakan ng debris gaya ng Sta. Ana, Cagayan dahil wala pa namang resulta kung ito ay magiging palpak o matagumpay.

Bagama’t ipinaalam na aniya sa mga Cagayanos partikuar sa Sta. Ana na dadaanan ang lugar na ito ay malaki pa rin ang tiwala nila na ang “trajectory” ng rocket’s debris ay babagsak sa karagatan at hindi sa matataong lugar.

Ngunit hindi aniya naging kampante ang mga local na opisyal at agad pinayuhan ang publiko na agad tumawag sa mga otoridad lalo na sa Bureau of Fire Protection kapag may bumagsak ng debris.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply