Rocket launch ng North Korea pumalpak

PUMALPAK ang rocket launching ng North Korea, limang minuto matapos itong mag-take-off.

Ito ang kinumpirma ngayon ng mga opisyal mula sa Estados Unidos.

Bumagsak sa Yellow Sea ang naturang rocket limang minuto matapos na ito ay pakawala.

Sinabi ni National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, na mag-aalas-siyete ng umaga (Philippine time) nang ikasa ang rocket launching.

Ayon sa NDRRMC kahit na pumalya ang rocket launching ay patuloy silang magmo-monitor kung may mahuhulog na debris sa Pilipinas.

Kung mayroon man, may posibilidad na ngayong alas-9:40 ng umaga bumgsak ang rocket debris sa bansa.

Samantala, magpupulong ang United Nation Security Council kaugnay sa rocket launch ng NoKor ngayong araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply