Rocket launch ng NoKor: Evacuation plan iminungkahi ng NDRRMC

IMINUNGKAHI ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga local government unit (LGU), partikular na sa hilagang-silangang Luzon na maglatag ng mga evacuation plan bilang paghahanda sa rocket launch ng North Korea.

Ayon kay NDRMMC Executive Director Benito Ramos, ipinauubaya na nila sa mga LGU ang pre-emptive evacuation bago ang rocket launch simula bukas, Abril 12 hanggang 16.

Dagdag pa ni Ramos na mas mabuti na ang mag-over-react kaysa walang gawin upang maiwasan na may masaktan o mapinsala sa sandaling bumagsak sa mataong lugar ang debris.

“Mabuti na ‘yung over-acting tayo, ‘yan ang responsibility natin sa NDRRMC. Not to sow panic but to have necessary information sa ating bayan.”

Pinangangambahan ng NDRRMC ang margin of error kapag nagkahiwa-hiwalay na ang rocket ng North Korea at tumama ang debris sa ilang lugar sa bansa.

“‘Yung margin of error na pagka ito ay lumihis even one-degree ay ‘yung possibility naman na mahulog ito sa lupa maski small particles ay baka makapinsala sa ating mga kababayan kaya ito ay pinangangambahan din, hindi po dun sa toxicity at lethality ng testing nila kundi dito sa scientific research na wala naman ito chemic toxic para maabala ang ating kalusugan.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply