Rolbak sa LPG ipinatupad ngayong araw

EPEKTIBO simula kaninang hatinggabi ang ipinatupad na rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG), ng Liquefied Petroleum Gas Marketing Association (LPGMA).

Ang contract price ng cooking gas ay patuloy na bumaba, kaya binawasan ito sa P2 kada kilo at patuloy pa itong bababa sa susunod na linggo.

Ang presyuhan ng LPG ay pumapalo sa P700 hanggang P725 at mababawasan ito ngayon ng P22 kada tangke.

Sinabi ni LPGMA Rep. Arnel Ty, na asahan na mas mababa ang presyo hanggang sa susunod na buwan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply