Rollback sa presyo ng sardinas nakaamba

NAGPAHAYAG ngayon ang Philippine Association of Supermarkets Inc. (PASI) na sa susunod na linggo ay babawasan ng P1 ang presyo ng kada lata ng sardinas.

Ayon sa PASI, ang pagbaba ng presyo ng sardinas ngayong Abril ay matapos alisin ang ban sa panghuhuli ng isdang tamban sa karagatan.

Sinabi ni Atty. Federico Ples, Secretary General ng PASI, na P1 ang posibleng ibawas sa kada lata ng sardinas dahil dumadami na ang nahuhuling tamban.

Gayunman, inihayag ni Ples na may reklamo ang ilang manufacturer na tumaas ang iba pang bahagi ng production cost sa paggawa ng sardinas.

Samantala, ani Ples, dapat ding bumaba ang presyo ng mga flour based products partikular ang tinapay kasunod ng mahigit P100 pagbaba sa presyo ng kada sako ng harina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply