Romanian na nawawala, bangkay na nang lumutang

BANGKAY na nang matagpuan ngayon ang isang turistang Romanian na sinasabing nalunod nitong Miyerkules Santo sa Tappiyah Falls sa Batad, Banaue, Ifugao.

Sinabi ni Office of the Civil Defense-Cordillera Administrative Region (OCD-CAR) Regional Director OLive Laluces, na alas-7:00 kaninang umaga nang biglang lumutang sa ilog ang bangkay ng biktimang si George Sfintes, 22-anyos at estudyante ng University of Japan.

Ayon kay Laluces, tumalon sa Tappiyah Falls ang biktima ngunit sa hindi pa malamang dahilan ay hindi na ito lumutang pa.

Kasama ng biktima sa paliligo ang walo pang dayuhang turista na pawang mga taga-Europa.

Ipinaalam na ng awtoridad sa embahada ng Romania ang sinapit ni George at ito ang embahada na ang maghahatid ng balita sa pamilya nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply