Rotational brownouts posible rin sa Davao

BUKOD sa Mindanao, posible ring maranasan ang rotational brownout sa Davao.

Ayon kay Ross Luga ang corporate communications officer ng Davao Light and Power Company (DLPC), sa ngayon ay umaasa lamang ang siyudad sa hydropower plants kaya kung masisira ang nasabing planta ay posibleng maranasan na rin ng siyudad ang brownouts.

Sa kasalukuyan, nabatid na nakapagtala ang lungsod ng peak demand sa koryente na aabot sa 285 megawatt, senyales na kailangan na ng mas malaking suplay ng koryente ang siyudad.

Agad namang sinabi ni Manuel Orig, first vice president ng AboitizPower Corp., na pinaghahandaan na nila ang nasabing nakaambang krisis ng koryente, dahilan para tutukan nila ang limang planta na plano nilang itayo pagpasok ng second quarter ng 2015.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply