Roxas wala pang go signal kung tatakbo sa 2013

WALA pang malinaw na plano ang kampo ni Liberal Party President at Transportation and Communications Secretary Mar Roxas kung tatakbo siya sa darating na eleksyon.

Kinumpirma ito ngayon ni House Deputy Speaker at Liberal Party spokesman Erin Tañada III.

Ani Tañada, wala pang kumpirmasyon kung isasama sa senatorial line-up ng partido si Roxas dahil wala pa raw itong nabubuong desisyon.

Masyado pa aniyang abala si Roxas sa kanyang mga trabaho sa gobyerno bilang kalihim ng Department of Transportation and Communications.

Bagama’t malaki raw ang tsansa ni Roxas na manalo sa ilalim ng LP slate ay hindi pa ito kinakausap ng partido.

Bukod daw kasi sa mga trabaho sa DOTC, abala din aniya si Roxas sa pagre-recruit ng mga bagong miyembro ng Liberal at pagpapalawak pa ng kanilang partido sa mga lalawigan at munisipalidad.

Kasabay nito, tumanggi si Tañada na isapubliko ang kanilang mga magiging pambato sa 2013 senatorial elections.

Nauna nang sinabi ni Tañada na hindi nababahala ang LP sa maagang paglalabas ng senatorial slate ng United Alliance, ang alyasang binuo ni Vice President Jejomar Binay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply