RP-US Balikatan inalmahan na ng China

INAMIN ngayon ng US Armed Forces na nakatakda pa silang magdagdag ng puwersa na dadalaw at magsasagawa ng pagsasanay sa Pilipinas sa darating na araw nang almahan na ng China ang isinasagawang RP-US Balikatan na posible pang magpainit sa sitwasyon sa Scarborough Shoal.

Sa ulat na inilabas ng China Liberation Army Daily, isang state run media, nagbanta na ang bansa sa Amerika na ang nagaganap na RP-US Balikatan exercise ay pinapalala lamang ang sitwasyon sa bahagi ng South China Sea o  West Philippine Sea at maaaring mauwi sa isang armed confrontation.

Banat pa ng China na pinapainit ng nasabing Balikatan exercise ang sitwasyon, subalit tahasan naman itong itinanggi ni Ltgen Duane D. Thiessen, commanding general ng US Marine Pacific dahil 28 taon na aniya nila itong ginagawa.

Katunayan, sa panayam pa kay Thiessen, noon pang nakaraang taon ito nakaplano at wala pa ang nagaganap na standoff sa nasabing bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon naman kay Ltgen Juancho Sabban, pinuo ng AFP Western Command, matagal nang nakalatag ang mga plano hinggil sa Balikatan at wala rito sa plano ang pangalan ng China.

Ni hindi aniya nabanggit ang pangalan ng China sa paglalatag ng taunang balikatan na ngayon ay nakatutok sa external defense.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply