Rumespondeng parak, tigok sa holdaper

PATAY ang isang pulis matapos mabaril sa isang holdapan sa Sampaloc, Maynila kagabi (Abril 19).

Nakilala ang namatay na pulis na si PO2 Joel Magno, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, dakong alas-11:00 kagabi ng maganap ang insidente sa Dimasalang St. Sampaloc, Maynila.

Ayon sa kaibigan ng biktima na si PO2 Carl Sawey, nagkayayaan silang uminom nang makarinig ng tulong galing sa pampasaherong dyip na hinoholdap sa may Marzan at Dimasalang sts. sa nasabing lugar.

Agad na rumesponde ang biktima ngunit naunahan siya ng suspek at binaril sa ulo.

Mabilis na tumakas ang suspek pagkatapos ang insidente.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply