Sa PBA Finals Game 2: Talk ‘N Text tumabla sa B-Meg

HINDI pumayag ang Tropang Texters na muli silang maungusan ng B-Meg Derby Ace Llamados makaraang talunin ang huli sa kanilang muling paghaharap para sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup finals kanina sa Smart Araneta, Quezon City.

Hindi nagpapigil ang may iniindang injury na dating star player ng Philippine Christian University (PCU) Dolphins na si Jason Castro para pangunahan ang TNT matapos siyang kumana ng 23 points at maitala ang 104-102 panalo.

Dahil sa panalo ng Tropang Texters, tabla na sa 1-1 ang serye sa best-of-seven championship showdown.

Sa panig ng B-Meg, umiskor si Denzel Bowles ng 33 points na dinagdagan ni dating PBA MVP James Yap ng 25 puntos pero kinapos pa rin.

Pangako naman ng tropa ni Coach Tim Cone na babawi sa kanilang muling paghaharap.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply